[Blueboard] Isang Paanyaya

Dit G. Sablan esablan at admu.edu.ph
Wed Nov 5 18:52:54 PHT 2014


Inaanyayahan namin kayong lahat na dumalo sa isang
Misa ng Pasasalamat sa pamumuno ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio G. 
Cardinal Tagle, DD, STD, para sa aming ikasampung anibersaryo.

Magkita-kita tayo sa ika-15 ng Nobyembre, alas-11 ng umaga, sa Chapel of 
the Eucharistic Lord, SM Megamall.

Magkakaroon din ng maiksing programa ganap na 10:30 ng umaga para sa 
ikatlong edisyon ng librong Kape't Pandasal; at mayroong book-signing 
pagkatapos ng banal na Misa. Maari itong mabili sa halagang P100.



Isang karangalan para sa Jesuit Communications na ang KAPE'T PANDASAL ay 
nakasampung taon na sa himpapawid. Hindi namin alam kung ang ibig 
sabihin niyan ay perpekto o mahusay na mahusay na kami. Pero 
maipapangako lagi namin na pagsisikapin pa naming maging mahusay at 
magaling. Subalit kung meron mang ibig sabihin sa amin ang makasaysayang 
sandaling ito, walang iba kundi sampung taon ng BIYAYA ng Dios.

Sampung taon ng pagkakataon na maglingkod sa Kanya at sa Kanyang 
sambayanan.  At sa ikasampung taon ng Kape't Pandasal, ang tanging laman 
ng aming mga puso ay iisa:  Salamat, Panginoon! Salamat sa inyong lahat 
na aming mga tagasubaybay.  Nawa'y magpatuloy pa ang ating pagsasalo ng 
kape at pandasal, ng buhay at pananampalataya.

  -Nono Alfonso SJ, mula sa Panimula ng Kape't Pandasal: Isang Dekada


-- 
Visit Jesuit Communications at www.jescom.ph
Like us on facebook


Dit G. Sablan
426-5971 loc. 121

"Dont wish it were easier, Wish you were BETTER
Dont wish for fewer problems, Wish for more SKILLS
Dont wish for less challenges, Wish for more WISDOM "
- Earl Shaof



---
This email is free from viruses and malware because avast! Antivirus protection is active.
http://www.avast.com
-------------- next part --------------
An HTML attachment was scrubbed...
URL: https://lists.ateneo.edu/pipermail/blueboard/attachments/20141105/f34e3d73/attachment-0001.html 
-------------- next part --------------
A non-text attachment was scrubbed...
Name: 1381451_10152303649696191_2745064297359317606_n.jpg
Type: image/jpeg
Size: 35515 bytes
Desc: not available
Url : https://lists.ateneo.edu/pipermail/blueboard/attachments/20141105/f34e3d73/attachment-0001.jpg 


More information about the Blueboard mailing list