[Blueboard] Ateneo ENTABLADO's Labaw Donggon and Street Theater Festival

Kim Luces luces.kim at gmail.com
Wed Feb 27 17:29:26 PHT 2013


Magandang araw!

Dalawang malalaking proyekto ang hatid sa inyo ng Ateneo ENTABLADO sa MARSO
1!

"LABAW DONGGON: ANG BANOG NG SANLIBUTAN"

Muling lilipad ang Banog ng Sanlibutan ngayong MARSO 1, sa ganap na ika-8
ng gabi sa Cervini Field ng Ateneo de Manila University.

Para sa mga bumili ng tiket para sa Pebrero 21 at 22, kung nais niyong
manood muli mangyaring dalhin na lamang ang inyong nabiling tiket sa Marso
1.

Para sa mga nais mag-refund, pumunta lamang sa ENTAroom (MVP 313) mula
Miyerkules hanggang Biyernes, 10 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon, upang
makuha muli ang inyong mga bayad. Pakidala na lamang po ang inyong tiket
upang maging patunay na kayo ay nagbayad na.

Para naman sa mga taong nais bumili pa ng ticket, mangyaring i-text lamang
sina Andy Sadava (09228098222) o si Mark Legaspi (09178511905).

Halaga ng tiket:
P350 at P300 (para sa mga estudyante)

"STREET THEATER FESTIVAL: JUAN FOR ART"

Ang Street Theater Festival ay isang malaking pagdiriwang ng adbokasiya ng
Ateneo ENTABLADO para sa taong ito. Isa itong pagtatanghal ng iba't ibang
organisasyon sa loob at labas ng pamantasang Ateneo de Manila. Nais ng
proyektong itong mabigyang-diin ang husay at talento ng mga organisasyon
gamit lamang ang sining ng "Street Theater", isang tradisyong pinagmulan ng
Ateneo ENTABLADO. Magkakaroon din ng parada sa buong unibersidad upang
mapakilala ang bawat kalahok sa palabas.

TEMA NG PALABAS:
"Paggamit ng sining upang hikayatin ang mga mamamayan na maging aktibo sa
pagbuo ng bayan."

Magsisimula ang parada sa Zen Garden ng 4:30 ng hapon at ang pagtatanghal
naman ay aabot hanggang 6:00 ng gabi sa MARSO 1. Minsan lamang
magsasama-sama sa iisang proyekto ang PETA-MTTL (Metropolitan Teen Theater
League), UP Repertory Company, Ateneo ENTABLADO at Sipat Lawin Ensemble!
Kaya ano pang hinihintay mo? Halina't makipiyesta sa STF!

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay Juerjen Domingo
(09272747380).

Huwag palampasin ang pagkakataon na ito.
PUMUNTA NA SA STF2013 AT LABAW DONGGON!

Mabuhay ang ENTABLADO Kong Mutya!

#LabawDonggon #STF2013 #JuanForArt #ENTA30

Twitter: @AteneoENTABLADO
Facebook: http://www.facebook.com/ENTALabaw,
http://www.facebook.com/ateneoentablado


-- 
Kim Princess B. Luces
Bachelor of Arts, Major in Communication 2013
Ateneo de Manila University
09174697626 | luces.kim at gmail.com
-------------- next part --------------
An HTML attachment was scrubbed...
URL: https://lists.ateneo.edu/pipermail/blueboard/attachments/20130227/68fc9ad8/attachment-0001.html 
-------------- next part --------------
A non-text attachment was scrubbed...
Name: 207295_564152430263119_391499098_n.jpg
Type: image/jpeg
Size: 16311 bytes
Desc: not available
Url : https://lists.ateneo.edu/pipermail/blueboard/attachments/20130227/68fc9ad8/attachment-0001.jpg 


More information about the Blueboard mailing list