[Blueboard] PAANYAYA PARA SA SAGALA NG MGA SIKAT 2009

adevera at ateneo.edu adevera at ateneo.edu
Tue Aug 18 16:47:08 PHT 2009


PAANYAYA PARA SA SAGALA NG MGA SIKAT 2009


Kapayapaan!

Malugod na inaanyayahan ng Kagawaran ng Filipimo ang lahat sa  
pagdiriwang ng Sagala ng mga Sikat 2009 sa darating na ika-20 ng  
Agosto, Huwebes, mula 4:30 ng hapon hanggang 7:30 ng gabi. Sisimulan  
ang pagpapasinaya ng pagdiriwang sa College Covered Courts. Pagkaraan  
ng panimulang bahagi ng programa, itatanghal na ang mga inihandang  
arko sa pamamagitan ng pagparada. Dadaan ang mga ito sa Seminary Road,  
Fr. Masterson Drive, College Lane, Schmitt Hall, Faura Hall, MVP, Dela  
Costa Hall, at Rizal Library. Sa College Covered Courts muling  
magtitipun-tipon ang lahat para sa mga presentasyon ng bawat kalahok.

Nawa?y magkasama-sama tayong lahat para sa pinakaaabangang pagdiriwang  
na ito ng ating pamantasan.

_________________________

Kagawaran ng Filipino
Paaralang Humanidades
Pamantasang Ateneo de Manila




More information about the Blueboard mailing list