[Blueboard] LIGHT TALK Monday nights @10pm this October on ABC 5

Gilbert D. Francia gfrancia at admu.edu.ph
Mon Oct 1 12:04:42 PHT 2007


Oct 1, 2007, 10:00pm ABC 5
One on One with Johnny Delgado
Nakilala natin si Johnny Delgado bilang  komedyante sa telebisyon sa
"Goin' Bananas," isang serial killer sa pelikulang "Ligalig" at isang
istriktong ama sa "Kailangan Kita."  Ngunit paglabas ni Johnny sa mundo
ng pelikula, ano nga ba ang buhay niya bilang ama, asawa at kaibigan?
Halina't sumama kay Bishop Chito Tagle sa Light Talk at kilalanin si
Johnny Delgado, hindi sa mga papel na ginampanan niya, kundi kung sino
siya sa totoong buhay. Abangan din ang kuwento niya kay Bishop Chito,
isang pagkakataon na una at huling ibabahagi niya sa telebisyon!
 
Oct 8, 2007, 10:00pm ABC 5
Infidelity  
Sa ordinaryong usapan, ang salitang KALIWA ay nangangahulugang
direksyon. Pero sa isang relasyon, maaaring mangahulugan ito ng
pakikiapid o pagtataksil. Sa ating lipunan ngayon, marami na tayong
narinig na kuwento ng mga pamilyang nasira dahil sa ikatlong partido
(third party), mga kasalang nauwi sa annulment o legal separation dahil
sa pakikipagrelasyon sa labas ng matrimonya. Ano nga ba ang mga sanhi ng
pangangaliwa at paano ito maiiwasan? Tumutok sa Light Talk with Bishop
Chito Tagle sa October 8, 10:00PM sa ABC 5. 
 
 
Oct 15, 2007, 10:00pm ABC 5
Stress Management
Wala ka bang ganang kumain? hirap bumangon sa kama? o nilalagnat?
Maaaring mga simpleng senyales ito ng matinding pagkapagod o stress.
Bahagi ng ating buhay ang stress, nararanasan natin ito sa trabaho kapag
may deadlines, ang pag-init ng ulo kapag naiipit sa matinding traffic.
Alamin kung ano ba ang mga puwedeng maging stress busters natin! Kaya't
sa October 15, 10:00PM sa ABC 5, sit back and relax, at manood ng Light
Talk with Bishop Chito Tagle. 
 
 


Handog ng 
Jesuit Communications Foundation
Sonolux Building, Seminary Drive
Ateneo de Manila University
Loyola Heights, Quezon City, Philippines
Tel. (632) 426.5971 to 72
Email jcf at admu.edu.ph
 
 
-------------- next part --------------
An HTML attachment was scrubbed...
URL: https://lists.ateneo.edu/pipermail/blueboard/attachments/20071001/77cf7eb9/attachment.html 
-------------- next part --------------
A non-text attachment was scrubbed...
Name: not available
Type: image/gif
Size: 2298 bytes
Desc: not available
Url : https://lists.ateneo.edu/pipermail/blueboard/attachments/20071001/77cf7eb9/attachment.gif 


More information about the Blueboard mailing list