[Blueboard] Programa ng Buwan ng Wika at Kultura 2007 (KA* HIWAGAAN)

adevera at ateneo.edu adevera at ateneo.edu
Wed Aug 1 09:10:52 PHT 2007


Programa ng Buwan ng Wika at Kultura 2007
KA* HIWAGAAN

Aug. 2, 2007 (ika-9 n.u., Huwebes, Xavier Hall)
PAGTATAAS NG BANDILA
Pangungunahan ng Ateneo Glee Club ang pag-awit ng Lupang Hinirang bilang
pormal na Pagbubukas ng Buwan ng Wika at Kultura.  Kasama sa pagtitipon
ang Kagawaran ng Filipino, ang Pansamantalang Dekano ng Paaralan ng
Humanidades-  Dr. Benilda S. Santos, VP Dr. Cuyegkeng at mga mag-aaral.

Aug. 2, 2007 (ika-9:30 n.u., Huwebes, MVP Basement)
PAGBUBUKAS NG EXHIBIT AT PARANGAL KAY G. TONY PEREZ
	Gagawaran ng Gawad Natatanging Alagad ng Sining 2007 si G. Tony Perez
para sa kanyang mahalagang ambag sa Panitikang Filipino.  Isang photo
exhibit tungkol sa pinarangalan ang bubuksan.  Magkakaroon din ng book
sale at manuscript sale ng mga akda ni G. Tony Perez.

Agosto 6, 2007 (ika-4:30 n.h. Huwebes, Escaler Hall)
UNANG PANAYAM (G. EDGAR SAMAR "Ang Daigdig ng Dilim sa mga Katha ni G.
Tony Perez)
	Kaugnay ng tema ng Buwan ng Wika at Kultura 2007, magbibigay ng unang
panayam si G. Edgar Samar ng Kagawaran ng Filipino ukol sa mga akda ni G.
Tony Perez.

Agosto 17, 2007 (Hanggang ika-4:30 n.h., Kagawaran ng Filipino)
PAGPAPASA NG MGA LAHOK SA TIMPALAK TULA, AWIT AT MALIKHAING SANAYSAY
	Bukas ang mga timpalak sa mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo.  Malaya
ang paksa para sa Timpalak-Tula at awit.  Ang tema naman sa
Timpalak-Malikhaing Sanaysay ay "Kahiwagaan: Saysay at Sanaysay."

Agosto 22, 2007 (ika-4:30-6:30 n.g., Escaler Hall)
PANONOOD NG PELIKULA (HULING BALYAN NG BUHI ni Sherad Sanchez)
	Kasama ang Loyola Film Circle, ipalalabas ang pelikulang "Huling Balyan
ng Buhi" ni Sherad Sanchez at isang open forum ang magaganap matapos ang
palabas.

Agosto 24, 2007 (ika-4:30-6 n.g., Escaler Hall)
ELIMINATION ROUND NG KWIZ BEE-BO
	Bukas sa mga mag-aaral ng Fil. 14 ang timpalak na ito.  Sa elimination
round malalaman ang huling limang team na maglalaro para sa Kwiz Bee-Bo.

Agosto 30, 2007 (ika-4:30-6 n.g., Escaler Hall)
KWIZ BEE-BO
	Ang mismong araw ng pagtutunggali ng limang team para sa Kwiz Bee-Bo.


Agosto 31, 2007 (ika-4:30-8 n.g., Escaler Hall)
KA* OPEN MIKE POETRY READING AT AWARDING
	Kulminasyon ng mga aktibidad ang KA.  Dito pararangalan ang mga nagwagi
sa Timpalak-Tula at Malikhaing Sanaysay.  Gayundin ang pagtatanghal ng
mga napiling kalahok para sa Timpalak-Awit.  Magkakaroon din ng open mike
poetry reading.






More information about the Blueboard mailing list