[Blueboard] Sikami'n Lumad Booklaunch

Angelli F. Tugado atugado at ateneo.edu
Thu Jan 19 15:57:12 PHT 2006


Mula sa Mindanawon Initiatives for Cultural Dialogue
sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Dekano, Paaralan ng Humanidades at
mga Kagawaran ng Ingles, Filipino, Sosyolohiya at Antropolohiya at Fine
Arts Program

Taos-pusong inaanyayahan ang lahat sa

pagdiriwang ng paglulunsad ng aklat na pinamagatang

SIKAMI'N LUMAD: BAGONG PANITIKAN NG KATUTUBONG MINDANAW

Biyernes, ika-20 ng Enero 2006, 3:00 n.h.
Natividad Galang-Fajardo Conference Room
1/F Horacio de la Costa Hall

Ang aklat ay kalipunan ng mga tula, maikling kwento, sanaysay, atbp. na
nagpapahayag ng mga karanasa't adhikain ng mga kabatang manunulat na
Lumad, sa loob ng sarili nilang wika at tinig, sa paraang nais nilang
makilala at makausap.

Sa pambungad ng aklat, isinulat ni P. Albert Alejo,SJ ang sumusunod:
"Saksi tayo ngayon sa pagsibol ng bagong katutubo na may nasang sila ang
magpasya sa paraan ng paglalarawan sa kanila. Gusto nilang marinig kung
paano nila gustong umimik. Kaya marahil nailathala itong Sikami'n Lumad:
Bagong Panitikan ng Katutubong Mindanaw--isang panimulang aklat ng mga
bagong tinig, mula sa makabagong Lumad, sa gitna ng nagbabagong
Mindanaw."






More information about the Blueboard mailing list