[Blueboard] Ateneo Staff Association (Oplan Kandila)

rodel g. crisostomo rcrisostomo at ateneo.edu
Thu Oct 20 09:05:55 PHT 2005


                                A.S.A.
                       Ateneo Staff Association
                              Since 1987



									                                                 Oktubre 20, 2005



 Kami po sa Activities Committee sa pamumuno ni G. Rodel Crisostomo ay
humihingi ng inyong buong pusong pagtulong sa aming proyekto. Isa na rito
ang "Oplan Kandila" para sa Nobyembre.

 Ang lahat po ay hinihikayat naming bumili ng kandila sa mababang halaga.
Malaking tulong po ang magagawa ninyo sa pagtangkilik nito.  Magpapakita
po kami ng "sample" sa linggong ito Oktubre 18-22. Maaari  po kayong
mag-order at pinapangako po namin na maibigay ang inyong order sa susunod
na linggo. Ito po ay "C.O.D." (cash on delivery)

 Ang kikitain po ng proyektong ito ay idadagdag sa pondo para sa aming mga
darating na  proyekto at iba pang gawain.

Maraming maraming salamat po sa inyong suporta.




Gumagalang,

Activities Committee 2005


Binigyan-Pansin:


_________________
Rodel G. Crisostomo
Activities Head


_________________
Numer Melaya
President


contact #

5173- rodel
5136- mel
5240- tin
5310- racky



More information about the Blueboard mailing list