[Blueboard] THANK YOU! from Nora Dela Cruz

Nora V. Dela Cruz ndelacruz at ateneo.edu
Thu Apr 28 14:53:59 PHT 2005


April 27, 2005


Para sa Komunidad ng Ateneo:

Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa akin sa
paraan ng panalangin, tulong pinansiyal, at mga donasyon para sa rummage
sale ng Ateneo Staff Association (ASA).

Napakalaking biyaya na mapabilang sa isang komunidad ng mga bukas-palad at
mabubuting puso.

Nagpapasalamat din ako sa mga sumuporta sa proyekto ng mga IS Majors na 
nakakalap ng pondo sa pamamagitan ng pagbebenta ng tickets na
pinamagatang "Trip to BORA for Ma'am NORA".

Nagsilang ako ng malusog na sanggol na babae noong February 8. Mabuti na
rin po ang aking kalusugan sa ngayon, sa awa ng Diyos at sa tulong ninyo.

Muli, maraming maraming salamat!



NORA VIADO-DELA CRUZ
Secretary
Interdisciplinary Studies Department




More information about the Blueboard mailing list