[Blueboard] Gawad Kalinga: May pag-asa pa ang BAYAN.

Stephanie A. Limuaco slimuaco at ateneo.edu
Wed Apr 20 10:08:16 PHT 2005


Para sa Komunidad ng Ateneo de Manila:

Isang pagbabahagi at hamon mula sa isang estudiante ng Loyola Schools. Para
sa atin itong lahat.


-GK Ateneo Coordinating Office-

-------------------------
19 Abril 2005

mga kapatid

gusto ko lang sanang magbahagi, at sa paraang
ito ay mahimok kayo na sumama sa debosiyon na
aking kinahuhumalingan ngayon. at ang
debosiyong ito ay isang pagtataya na muling
buhayin ang ating bayan.

sa kabuuan ng bakasiyon, sa tuwing mula
biyernes hanggang lingo ay pupunta kami sa
Gabaldon, Nueva Ecija. pupunta kami doon upang
tumulong sa pagbuo ng mga bahay ng mga
kapatid natin na nasalanta noong mga bagyo nang
nakaraang taon. ngunit higit pa sa mga bahay,
kami ay bumubuo ng ugnayan, bumubuo kami ng
isang pagkakaibigan upang para hindi lamang
magkaroon ng bubong sa kanilang ulunan ang
ating mga kapatid, ngunit upang magkaron din sila
ng pag-asa na balang araw ay muling uunlad ang
kanilang buhay. higit pa sa sariling pagbangon,
kapit bisig namin na ibinabangon ang ating lugmok
na Pilipinas. sa paraan ng bolunterismo at
bayanihan, ang mga hangad na ito ay natutupad.
at binibigyan din namin sila ng tibay ng loob. oo,
matagal pa ang proyekto, ngunit onting tiis lang ay
makakaraos din tayo. bilang kapalit ay binigyan
nila kami ng kabuuan sa sarili. isang direksiyon
para sa aming mga buhay na nalugmok sa
matinding pag-aaral.

bakit kabuuan? dahil sa gawaing ito, inalis ko ang
aking sarili sa marangyang buhay na aking
nakasanayan. marami siguro sa inyo ay hindi iyon
nais na gawin, ngunit malaki ang naging
pagbabago sa aking sarili mula noong napasali
ako dito. nagsimula ang lahat sa simpleng
katuwaan. masaya kasi gagawa ng bahay.
hanggang sa unti unting tumindi ang aming
dedikasiyon sa gawad kalinga, hanggang sa
parang naging buhay ko na ito. bukang bibig ko na
lang parati ang mga masasayang ala-ala ko sa
gabaldon, at tuwi tuwina ay nasa isip ko ang muli
kong pagbabalik. sabik na makita ang mga taong
nakilala ko don, at ang pagbabago na naganap sa
mga iniwan naming mga bahay.

hindi sapat ang mga salita para masabi ang
ligayang aking nadadama sa bawat pagpunta ko
doon. naging aking tahanan na malayo sa aking
bahay ang gabldon.

marahil ay mahaba na ang pagbabahagi kong ito.
sana ay may napulot kayo sa aking mga sinabi,
upang sa susunod na pagkakataon ay hindi niyo
lamang pakikinggan, o babasahin ang aking mga
karanasan. ngunit sa pagkakataong iyon, ay
makagawa na kayo ng sarili niyong mga ala-ala,
kasama ang Gawad Kalinga, at ang mga tao sa
GABALDON.

maraming salamat sa oras na inyong ginugol
upang basahin ito. sa lahat ng interesadong
sumama, maaari niyo akong maabot sa:

landline: 930-2275
cellphone: 0917-830-8217
ym id: danavarro41

mga kapatid, isa itong hamon sa inyong lahat. lalo
na para sa mga atenista. gawin mong kongkreto
ang itinuro sa iyo ng iyong paaralan. TAO PARA
SA KAPWA...ngunit hanggang salita lang ba?

salamat nang muli!

dan navarro "team gabaldon"




More information about the Blueboard mailing list